49th Nutrition Month Celebration, Sayawit Para sa Healthy Calacazens
Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod na pinamumunuan ni City Mayor Nas Ona katuwang ang City Health Office sa pangunguna ni Dra. Sharon Ona ang ika- 49 na Nutrition Month Celebration na may temang “Healthy Diet Gawing Affordable for All”.
Naging aktibidad sa nasabing programa ang SAYAWIT para sa Healthy Calacazens kung saan sabay sumasayaw at umaawit ang mga piling kalahok mula sa Barangay. Ang mga sumusunod ang itinanghal na panalo:
- 1st Place: PuCorNganDiLumBac (Baclas, Caluangan, Dila, Coral Ni Bacal, Lumbang na Matanda, Lumbang na Bata, Puting Kahoy at Lumbang Calzada)
- 2nd Place: Healthynomic Movers (Munting Coral, Balimbing, Bambang, Tamayo, Matipok, Madalunot, Bisaya at Niyugan)
- 3rd Place: Tinig Magsanghaya (Puting Bato East, Puting Bato West, Talisay, Camastilisan, Quizumbing, Dacanlao, Sinisian at Salong)
Kasabay nito ay binigyan din ng parangal ang mga Barangay na unang nakatapos at naging matagumpay ang Nutrition Program sa Barangay para sa buwan ng Enero hangang Hunyo taong 2023 at ito ay ang mga sumusunod:
- Brgy Bagong Tubig (Supplementary Feeding Program for Identified Underweight Children of The Barangay)
- Brgy Caluangan (Strengthening of Mother Support Group that Monitors Pregnant and Children)
- Bry Sinisian (Zumba)
Tuloy tuloy lamang ang paghahatid ng programa para sa kapakanan at kalusugan ng mamamayan dahil layunin ng programang ito na mapanatiling malusog at malakas ang katawan ng bawat isang Calacazens.
Program Snapshots Highlights: