DENG-GET OUT: SEARCH, DESTROY AND LECTURE ISINAGAWA SA BRGY. CAHIL
Nagtungo ang mga kawani ng City Health Office sa pamumuno ni Dra. Sharon Ona katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Calaca sa Brgy. Cahil dahil sa kaso ng dengue roon. Kaugnay nito ay nagsagawa sila ng search, destroy at misting operation. Bukod pa rito ay nagbahagi rin sila ng kaalaman sa pagpapanatili ng kalinisan sa lugar bilang kampanya kontra dengue ng Pamahalaang Lokal.
MAGING ALERTO SA DENGUE!
Iwasan ang nakamamatay na sakit na Dengue. Gawin ang 4S!
- Suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng lamok - Panatilihing malinis ang kapaligiran, sirain ang pinamumugaran ng mga lamok at kiti kiti.
- Sarili ay protektahan laban sa mga lamok - Ugaliing magsuot ng mga damit na proprotekta sa mga kagat ng lamok.
- Sumangguni agad sa pinakamalapit na pagamutan - Kung may lagnat nang dalawang araw agad na komunsulta sa pinakamalapit na pagamutan.
- Sumuporta sa pagpapausok kapag may banta ng outbreak - Makipagtulungan sa fogging activities ng Pamahalaang Lokal.
Program Snapshots Highlights: