Dwarf Coconut Seedlings, IPINAMAHAGI!
Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlungsod ng Calaca sa pamamagitan ng City Agriculture Office at Philippine Coconut Authority (PCA) ay namahagi ng 11,450 dwarf coconut seedlings sa 95 magsasaka mula sa Barangay Balimbing, Bambang, Bisaya, Cahil, Lumbang na Bata, Lumbang na Matanda, Niyugan, Pantay, at Pinagpalang Anak.
Sa ilalim ng Republic Act No. 8048 o ang Coconut Preservation Act of 1995 ay patuloy ang pamamahagi ng mga pananim na niyog para sa mga magsasaka ng Lungsod ng Calaca. Bukod sa pamamahagi ng mga seedlings ay itinuro rin ang mga bagong pamamaraan sa pagtatanim ng niyog at mga dapat tandaan upang mas mapabuti at mapalawig pa ang produksyon ng niyog.
Asahan ang patuloy na pagsuporta ng Pamahalaan Panlungsod at PCA sa pagpapayabong ng industriya ng Niyog sa buong lungsod.
Program Snapshots Highlights: