Swine Blood Collection Laban sa African Swine Fever
Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlungsod ng Calaca, katuwang ang Provincial Veterinary Office ay nagsagawa muli ng pantatluhang buwang pangongolekta ng dugo ng baboy o quarterly swine blood collection ang City Agriculture Office upang patuloy na masubaybayan at maiwasan ang African Swine Fever (ASF).
Ang mga nakolektang dugo ay ipapasuri upang matiyak na ang ating Lungsod ay nananatiling ASF-Free at patuloy na mapagkalooban ng ASF Free Certification mula sa Bureau of Animal Industry na siyang kinakailangan ng ating mga rehistradong maliliit na Hog Raisers.
Sa pamamagitan ng matatag na Biosecurity at pagtutulungan ng Pamahalaang Panlungsod, LUNAS Panghayupan, at mga Calacazen Hog Raisers ay mapapangalagaan natin ang industriya ng pagbababuyan laban sa nananatiling banta ng African Swine Fever.
Program Snapshots Highlights: