50 Calacazens Nagtapos sa Pagsasanay sa Agricultural Production
Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Calaca na pinamumunuan ni City Mayor Nas Ona sa pamamagitan ng City Agriculture Office at City Assistance for Community Development Office, Department of Interior and Local Government (DILG), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at ng Batangas Provincial Agriculture Office, 50 magsasakang Calacazen mula sa Barangay Coral ni Lopez at Pinagpalang Anak ang nagsipagtapos sa 42 na araw na Skills Training on Basic Agricultural Crops Production NCII at 29 na araw na Skills Training on Organic Agriculture Production NCII.
Ginanap ang culminating and graduation ceremony sa dalawang barangay na pinaunlakan ni Konsehal Robenson Sale bilang tagapanguna ng Committee on Agriculture ng Sangguniang Panlunsod. Dito ay ihinahayag niya kasama ni Gng. Alicia Cabrera at Gng. Marilou Tapia sampu ng mga nabanggit na ahensya na sa pamamagitan ng mga pagsasanay na ito ay mas mapapaunlad pa ang sektor ng agrikultura hindi lamang sa barangay kundi sa buong lungsod. Layon din ng pagsasanay na iangat ng antas ang kaalaman at kasanayan ng ating mga Calacazen na maaaring ihanay sa ibang bansa.
Ang mga nasabing pagsasanay ay mula sa Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) at Sustainable Agriculture for Socio-Economic Development Project mula sa mga nabanggit na tanggapan.
Program Snapshots Highlights: