Nasa Lakas

Babae, Mahalaga Ka! Be Wise, Magpa-Immunize!

HPV (Human Papillomavirus) Vaccination

Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calaca katuwang ang City Health Office na pinamumunuan ni Dra. Sharon V. Ona ay isinagawa ang HPV Vaccination para sa mga kababaihang Calacazens dito sa Lungsod. Nagbahagi ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng HPV Vaccine si Dra. Portia Ruth Frontera – Delos Reyes na isang OB-GYN.

Sa ikalawang bugso ay 741 na Calacazens ang nabigyan ng bakuna para sa proteksyon ng mga kababaihan laban sa Cancer na dulot ng Human Papillomavirus.

Hinihikayat ang bawat isang kababaihan na tangkilikin ang ganitong programa para mapanatili ang mabuting kalusugan ng bawat isang Calacazens.

Program Snapshots Highlights: 

SEE OTHER CITY PROGRAMS