Nasa Puso

Cash Assistance Para sa Ona Scholar, IPINAMAHAGI!

Muling namahagi ng cash assistance ang Pamahalaang Lungsod ng Calaca sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni Gng. Maharani G. Babasa para sa mga mag aaral na beneficiary ng Ona Scholar. Dinaluhan ni City Mayor Nas Ona ang nasabing programa at naghatid ng mensaheng tiyak na magiging inspirasyon sa mga magulang pati na rin sa mga mag-aaral.

Tumanggap ang apatnapu (40) na Ona Scholar para sa unang semestre at isang daan at walampu’t pito (187) para sa ikalawang semestre na may kabuuang dalawang daan at dalawampu’t pito (227). Asahang patuloy ang paghahatid ng magagandang programa lalo’t higit sa sektor ng edukasyon upang maging mas maganda pa ang kinabukasan ng Kabataang Calacazens.

Program Snapshots Highlights: 

SEE OTHER CITY PROGRAMS