Diabetes Awareness Week, Isinagawa!
Matagumpay na isinagawa ang Diabetes Awareness Week sa Lungsod ng Calaca. Pinangunahan ng City Health Office sa pamumuno ni Dra. Sharon Ona ang pagdiriwang ng programang ito. Dinaluhan nina Gng. Cristy A. Perez – City Administrator, Kgg. Prima Casanova Dajoyag – SP, Chairman on Committee on Health at Kgg. Divina A. Opelanio.
Isinagawa ang Blood Chemistry Tests na maaring makatukoy ng iba’t-ibang sakit kagaya ng Diabetes. Sinundan ito ng talakayan kasama ang ating panauhin na si Dr. Ma. Belen Pilit–Hizon na isang Endocrinologist o dalubhasa sa larangan ng sakit na Diabetes. Ibinahagi nya ang mga tamang kaalaman patungkol sa nasabing sakit upang maitama ang mga maling kuro-kuro tungkol sa sakit na ito. Kaugnay nito, tinalakay rin kung paano ang tamang gamutan sa sakit na Diabetes at kung paano ito maiiwasan. Naging panauhin din ang ilang kawani ng Batangas Provincial DOH Office. Nagkaroon din ng isang maikling Zumba Session upang itaguyod ang kampanya para sa 7 Healthy Habits na “Move more, Eat Right, Para Iwas Diabetes”.
Layunin ng programang ito na mapangalagaan ang kalusagan ng Calacazens pagdating sa sakit na Diabetes. Prayoridad ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni City Mayor Nas Ona ang maayos na kalusugan at kapakanan ng bawat isang mamamayan.
Program Snapshots Highlights: