Nasa Puso

DSWD ASSISTANCE FOR INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATION, IPINAMAHAGI!

Matagumpay na naipamahagi ang DSWD Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa pondo na binigay ni House Speaker Representative Ferdinand Martin Romualdez. Ang proseso ng interview at validation ng mga beneficiaries ay isinagawa ng Tanggapan ng City Social Welfare and Development sa Pamumuno ni Gng. Maharani Babasa.

Ang 490 benepisyaryo na Sugarcane Farmers mula sa iba’t ibang Barangay sa Lungsod ng Calaca ay tumanggap ng Sampung Libong piso (10,000) bawat isa.

Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod ng Calaca sa pamumuno ni City Mayor Nas Ona sa ating House Speaker Representative Ferdinand Martin Romualdez na isa sa nagsusulong ng mga programa at tulong para sa ating mga calacazens.

Program Snapshots Highlights: 

SEE OTHER CITY PROGRAMS