Huling Pangkat ng Seasonal Farm Workers 2023, Nakaalis Na!
Sa walang humpay na suporta ng Pamahalaang Panlungsod ng Calaca sa pamamagitan ng City Agriculture Office katuwang ang Provincial Agriculture Office at Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, dalawampu (20) sa ating mga kaGawang magsasaka ang lumipad patungong Chuncheon, Hoengseong, at Inje, South Korea upang sumailalim sa 5-month Farm Works and Training ng “Seasonal Farm Workers Program” ngayong taong 2023.
Ngayon ngang buwan ng Hunyo ay lumipad patungong Inje County, Gangwon, South Korea ang huling batch ng magsasakang sasailalim sa programa. Ang programang ito ay makakatulong hindi lamang sa aspetong pinansyal kundi upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa buong lalawigan ng Batangas. Layunin din nitong mabigyan ng bagong kaalaman sa pagtatanim at bagong teknolohiya na maaaring iangkop sa kasalukuyang kalagayan ng ating sektor.
Inaasahan naman na magpapatuloy ang programa sa susunod na taon o panibagong season ng pagtatanim.
Program Snapshots Highlights: