Nasa Lakas

MGA BARANGAY SA LUNGSOD NG CALACA, BINISITA NG MGA KAWANI NG CALACA CITY HEALTH OFFICE

Bunsod ng patuloy na pagkalat ng sulfur dioxide at volcanic smog o Vog sa mga lugar sa paligid ng Bulkang Taal, pinangunahan ng Calaca City Health Office sa pamumuno ni Dra. Sharon Ona ang agarang pagbisita sa mga lubhang apektadong barangay sa Lungsod ng Calaca.

Kasabay ng pagbibigay ng face mask sa barangay ay ang pamimigay ng mga leaflets na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa sulfur dioxide, mga dapat malaman at paunang lunas kapag nakalanghap ng asupre na itinuro ng mga kawani ng City Health Office sa mga miyembro ng Lunas Pangkalusugan sa barangay. Itinuturo rin nila kung paano gawin ang brown bagging kung sakaling may mahirapan huminga dulot ng pagkalanghap ng asupre bilang pangunang lunas.

Patuloy ang pagpapaalala ng Pamahalaang Panlungsod ng Calaca sa mga Calacazens na palagiang magsuot ng face mask, limitahan ang paglabas ng bahay at uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang pangangati ng lalamunan.

Mag-ingat po tayong lahat.

Program Snapshots Highlights: