Nasa Tiyaga

Nasa Baclas Atupag General Assembly

Isinagawa ang ikatlong Taunang asembliya ng Nasa Baclas ang Aktibong Samahan Tungo sa Pag- Unlad (ATUPAG) Baclas noong ika – 05 ng Hulyo 2023 sa Baclas Covered Court sa pangunguna ng City Assistance for Community Development Office na pinamumunuan ni Gng. Malou Tapia.

Binuksan ng Pangulo ng samahan, Reggie S. De Vera ang panimula ng kanilang programa na dinaluhan ng humigit-kumulang 100 ang dumalo sa nasabing asembliya. Pinasinayaan din ng Ama ng Lungsod ng Calaca, City Mayor Nas Ona kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod ang pagdiriwang na ito.

Tinalakay sa assembly ang kasalukuyang estado ng organisasyon, kalagayang pampinansyal, saligang batas at layunin ng samahan. Kanila ring ipinahayag na bukas pa sila sa mga nais pang maging miyembro ng samahan. Nagpahayag din ng kanilang mga patotoo ng katagumpayan ang mga naging benepisyaryo ng kanilang Hog Raising Livelihood Project na nagkakahalaga ng isang milyong piso. Gayundin, alinsunod sa kanilang saligang batas ay nagkaroon ng eleksyon para sa panibagong opisyales ng samahan at itinanghal si Rogelio Manguerra bilang bagong pangulo.

Naging matagumpay ang naturang assembly at natalakay na rin ang mga magiging paksa ng susunod na mga pagpupulong ng samahan.

Program Snapshots Highlights: 

SEE OTHER CITY PROGRAMS