Nasa Barangay

NASA BARANGAY goes to Brgy. CALUANGAN!

Libreng medical check-up, bunot ng ngipin, tuli, at mga gamot – ilan lamang yan sa regular na mga kaganapan sa ating barangayan.

May pagbabahagi din ng kung ano ang maituturing na balanse at maayos na pagkain para sa kalusugan ng lahat, lalo na ng mga batang lumalaki pa lang. Higit pa diyan ang serbisyong direktang inilalapit sa ating mga barangay at iyan ang hatid ng NASA BARANGAY program.

Tuloy-tuloy lamang po tayo upang maikutan natin ang lahat ng Barangay ng City of Calaca! Abangan ang pagdating sa inyong Barangay!

Program Snapshots Highlights: 

SEE OTHER CITY PROGRAMS