Nasa Barangay

NASA BARANGAY goes to TAMAYO!

Ginanap natin ang kauna-unahang NASA BARANGAY program sa taong 2023 sa BARANGAY TAMAYO kung saan dinadala natin mismo sa ating mga kabarangay ang mga serbisyo publikong kinakailangang maipahatid sa ating mga Calacazens.

Mahigit 360 katao ang napagsilbihan natin sa iba’t ibang mga pangunahing serbisyong handog ng ating mga iba’t ibang opisina sa City Hall kasama na ang ating City Health Office, City Social & Welfare Development Office, City Agriculture Office, City Civil Registrar Office, City Environment & Natural Resources Office, City Treasurer’s Office, City Assessor’s Office, CDRRMO & BFP Calaca kasama na rin ang ating magigiting na PNP Calaca.

Masaya akong makapiling kayo muli at maihatid ang mga serbisyong nais nating direktang maibigay upang maging mas maalwan ang buhay ng mga Calacazens!

Program Snapshots Highlights: 

SEE OTHER CITY PROGRAMS