NASA HUSAY, SUPORTA SA IKAGAGALING NG CALACAZENS, MULING UMARANGKADA!
Pinangunahang muli ng ating Punong Lungsod ang pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral na Calacazens bilang pagpapatuloy ng programang NASa Husay, Suporta sa ikagagaling ng Calacazens. Kasabay ng mga gamit pang eskwela ay ang Hygiene Kits para sa mag-aaral sa elementarya, mga instructional materials at vitamins mula grade 3 hanggang Senior High School.
Personal na bumisita si City Mayor Nas Ona, Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni City Vice Mayor Pippo Katigbak, Public Schools District Supervisor Dr. Anabel Marasigan at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan. Lubos naman ang pasasalamat ng mga mag-aaral, mga guro at lalo’t higit ng mga magulang sa kanilang natanggap. Sa mensahe ng ating punong lungsod sa mga mag-aaral na mag-aral ng mabuti upang makamit ang mga pangarap. Dahil naniniwala ang ating Ama ng Lungsod na ang tagumpay ng bawat isang Calacazen ay tagumpay ng minamahal na lungsod ng Calaca. Palaging tandaan na kaagapay ang Pamahalaang Lungsod sa pagkamit ng inyong mga pangarap.
Nasa Puso at Gawa ang bukas kung kaya ang kapakanan ng mag-aaral na Calacazens at ang kanilang kagalingan ang prayoridad ng Ama ng ating Lungsod.
Program Snapshots Highlights: