Nasa Isip

NASA ISIP AY KAAGAPAY PARA SA MINIMITHING TAGUMPAY

Kasaya na naman ng aking mga NASA ISIP scholars! Matagal man tayong di nagkadaupang palad, bumawi naman ako sa inyo ng lubos-lubos, di ga?

Congratulations sa lahat ng mga mag-aaral natin mula sa mga naunang mga Barangay na nakapasa na sa kanilang requirements at pumasa sa evaluation na ginawa sa mga nakaraang recipients. Hindi na lamang ang mga dokumento ang tinitingnan kundi ang pagtalima sa mga deklarasyon ng inyong ipinangako bilang mga mabubuting mag-aaral na Calacazens.

Ang aking mahalagang mensahe: mag-focus kayong mabuti sa pag-aaral mga bata. Iyan lamang ang tanging maipamamana namin sa inyo bilang mga lingkod-bayan at magulang – ang mabigyan kayo ng suporta sa pag-aaral upang mas maganda ang mga oportunidad ninyo sa hinaharap. Huwag ninyo itong sayangin at huwag palalampasin.

Nakapag-simula na nga tayong mamahagi ng ating educational financial assistance matapos ang ONA SCHOLARS distribution. BATCH 1 pa lamang ito.

Marami pa ang mga susunod na mabibigyan, huwag masyadong mainip. Nakasoft-launch pa lang tayo dahil bago na ang pamamaraan ng ating pag-apply at pag-submit ng mga requirements para siguradong kumpleto at maayos ang mga kailangang dokumento. Marami pa ang mga innovations na ating ipapatupad.

Ngunit dapat ninyong tandaan mga bata:

Patuloy nating isinasaayos ang mga proseso upang mapabilis ang mga serbisyong nais nating ibigay sa mga kabataang Calacazens. Kailangan lamang ay disiplina, pagpupursige at pagtalima sa mga dapat nating sunding alituntunin.

Ano mang hirap, sama-sama natin itong malalampasan.

At higit sa lahat, maging mabuting mga kabataang CALACAZENS. Kayo ang pag-asa namin para sa kinabukasan ng ating siyudad.

Program Snapshots Highlights: