Nasa Lakas

NATIONAL LUNG AWARENESS MONTH CELEBRATION, ISINAGAWA!

Matagumpay na naisagawa ang Lung Month Celebration na may temang “Hingang Ginhawa Kapag Healthy Lungs ang Buong Pamilya!” sa pangunguna ng City Health Office na pinamumunuan ni Dra. Sharon V. Ona. Dinaluhan din ni City Mayor Nas Ona kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang nasabing programa.

Nilahukan ng mga ERPAT ang programa at binigyan sila ng kaalaman patungkol sa Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) at masamang dulot ng paninigarilyo, kasama ang ating panauhin na si Dra. Bernadette Magnaye-De Villa na isang Pulmonologist o dalubhasa sa larangan ng mga sakit sa baga. Nagkaroon din ng raffle draw sa pagitan ng programa para mas mahikayat ang ating mga ERPAT upang maitaguyod ang kampanya para sa 7 healthy habits.

Layunin ng programang ito na mabuksan ang isipan at magkaroon ng healthy lifestyle ang mga Calacazens at prayoridad ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni City Mayor Nas Ona ang maayos na kalusugan at kapakanan ng bawat isang mamamayan.

Program Snapshots Highlights: