NATIONAL TB DAY "BAGA AY MAHALIN TUNGO SA MALUSOG NA LUNGSOD NATIN", ISINAGAWA!
Kasabay ng malawakang selebrasyon ng adbokasiya para mapuksa ang sakit na TB, ang Pamunuang Lungsod ng Calaca sa pamumuno ni City Mayor Nas Ona ay nakikiisa sa pagsusulong ng TB Free PH.
Matagumpay na nagsagawa ng aktibidad ukol sa sakit na TB ang tanggapan ng Calaca City Health Office sa pangunguna ni Dra. Sharon Ona. Dumalo sa nasabing programa si City Mayor Nas Ona, Kgg. Emma Casanova – Dajoyag, SP, Chairman on Committee on Health at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod. Kasama rito ang mga pasyente at magulang ng mga batang nakatapos ng 6 na buwan na gamutan sa baga. Inimbitahan naman si Dra. Rosalie A. Masangkay, isang eksperto sa larangan ng gamutan sa sakit na TB, para magbahagi ng mga tamang kaalaman at kung paano mas higit na mapapangalagaan ang sarili kapag nagkameron na ng sakit na TB. Nakiisa rin ang mga TB Coordinators mula sa tanggapan ng Provincial Health Office at Department of Health- Batangas.
Ang bawat nagsidalo ay nakatanggap ng totebag na may kasamang multivitamin tablets at IEC ukol sa sakit na TB at tig 5 kilong bigas. Nagbigay din ng anti-pnuemonia vaccine para masiguro ang pagkakaroon ng sapat na proteksyon sa katawan.
Calacazens! ” Tara’t Magbayanihan! TB ay Tuldukan!” Sabay-sabay nating gawing TB Free ang Calaca City Sapagkat hingang ginhawa kapag Healthy Lungs ang buong komunidad at ang buong pamilya”.
Program Snapshots Highlights: