Parliamentary Procedure Training and Character City Orientation for CSOs
Isinagawa ang Parliamentary Procedure Training and Character City Orientation sa pangunguna ng City Assistance for Community Development Office na pinamumunuan ni Gng. Marilou Tapia katuwang ang Partner NGO na Rural Poor Institute for Land and Human Rights services (RIGHTS), Inc. at NASA KALAKA City Federation. Ito ay dinaluhan ng President, Vice President, Secretary at Organization Representatives ng 44 CSOs sa buong City of Calaca.
Naging mga tagapagsalita sa pagsasanay sina G. John Christopher Arandia – Secretary to the Sanggunian Panglungsod, Bb. Elsa Q. Lopez – Administrative Officer IV at Gng. Marilou C. Tapia – Executive Assistant III, CACD.
Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga samahan sa tamang pagpapadaloy ng mga pulong sa ilalim ng sistemang parliamentaryo at magkaroon ng maayos na pagtatala ng katitikan ng mga pulong ng samahan. Kaalinsabay din nito ay ang pagpapalaganap ng mga impormasyon ukol sa 12 Character Traits ng Character City.
Program Snapshots Highlights: