Nasa Puso

Pride Month Celebration: Gender Awareness and Personality Development

Muling tinipon ng Tanggapan ng City Social Welfare and Development sa pamumuno ni Gng. Maharani Babasa ang lahat ng miyembro ng LGBTQ+ sa Lungsod ng Calaca upang isagawa ang Pride Month Celebration dito sa ating Lungsod. Sa selebrasyong ito na my temang “Gender Awareness and Personality Development”, nagkaroon ng kaunting lecture tungkol sa tema ng pagdiriwang. Naging highlight naman ng programa ang pagkakaroon ng “Drag Queen Battle” kung saan masasalamin sa iba’t- ibang miyembrong kalahok ang kanilang talento na gumaya sa personalidad o karakter ng isang tao.

Ang patimpalak ay sinalihan ng (7) miyembro kung saan itinanghal na kampyeon si Kris Garcia aka Lani Misalucha, ikalawang pwesto si Emminuel Dastas aka Jennifer Holliday at ikatlong pwesto si Jeffrey Bobadilla aka Mariah Carey.

Muling ipinamalas ng LGBTQ+ Calacazens ang husay nila sa iba’t ibang talento. Kung kaya’t patuloy rin ang pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Calaca sa pamumuno ni City Mayor Nas Ona, katuwang ang Tanggapan ng Social Welfare and Development at iba pang departamento sa pagpapatibay ng nasabing sektor ng Lipunan.

Program Snapshots Highlights: 

SEE OTHER CITY PROGRAMS