Nasa Puso

RRP-CCAM-DRR Payout!

Sa pagtutulungan ng City Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni Gng. Maharani Babasa at City Agriculture Office sa pamumuno ni Gng. Alicia Cabrera, tumanggap ang 291 na mga magsasaka at mangingisda mula sa 23 barangays ng City of Calaca ng financial assistance na nagkakahalaga ng 4,000 piso bawat miyembro mula sa DSWD. Ito ay kaugnay sa Risk Resiliency Program thru Cash for Work Activities for Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction (RRP-CCAM-DRR).

Ang mga benepisyaryo ay naatasang magtanim ng mga gulayin sa loob ng 10 araw sa mga itinalagang lugar sa kanilang barangay upang sila ay imulat sa kahalagahan ng pagtatanim at maiangat ang food security lalo na sa panahon ng kalamidad.

Program Snapshots Highlights: