Nasa Sipag

Tuloy-tuloy na Pagpapasiguro ng mga Alagang Hayop at Pananim!

Muling nabigyan ng tulong pinasyal ang ating mga Calacazen na rehistrado at nagpasiguro ng kani-kanilang mga pananim at alagang hayop sa pangunguna ng Pamahalaang Panlungsod ng Calaca sa pamamagitan ng City Agriculture Office at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). Sampung magsasaka at nagaalaga ng baboy nga ang napagkalooban ng bayad pinsala dulot ng mga peste at sakit sa mais at alagang baboy na may kabuuang P 64,415.00.

Patuloy na hinihikayat ang ating mga magsasaka na magpasiguro ng kanilang pananim at alagang hayop.