Nasa Isip

Tunay na sa lahat ng PINAGHIHIRAPAN, matamis kapag nakakamit ang TAGUMPAY (at ang NASA ISIP financial assistance!), di ga?

Sa wakas, natanggap na ng ating mga mag-aaral ang kanilang NASA ISIP educational financial assistance para sa SY 2022-2023! Bawing-bawi na ako dahil naibigay na natin sa mahigit 3,229 na mag-aaral ang ating pabaon sa kanilang maayos na pag-aaral!

Pare-pareho nating pinaghirapan ang maibigay sa inyo ang tulong para diyan. Mula sa aming inyong mga lingkod-bayan, pinilit naming ilaan ang pondo upang bigyang prayoridad ang mga kabataan. Para naman sa inyong mga mag-aaral at magulang, pinaghirapan din ninyong ipasa at ayusin ang inyong pag-aaral upang makasama sa mga tatanggap ngayon. Congratulations sa lahat ng mga recipients ngayon!

Paalala, ilaan sa pag-aaral ang pabaon sa inyo ng ating City of Calaca upang mas ganahan pa kayong pagbutihin ang pag-abot ng inyong mga pangarap.

At tandaan, wala kaming hinangad kundi ang mapabuti ang kalagayan ng bawat masipag na Calacazen!

Program Snapshots Highlights: 

SEE OTHER CITY PROGRAMS