Nasa Sipag

Winter Batch ng Seasonal Farm Workers Nakaalis Na!

Sa walang humpay na pagsuporta ng Pamahalaang Panlungsod ng Calaca sa pamamagitan ng City Agriculture Office katuwang ang Provincial Agriculture Office, anim sa ating mga Calacazen ang lumipad patungong Chuncheon, South Korea upang sumailalim sa 3-month Farm Works and Training ng “Seasonal Farm Workers Program”. Bago pa man sila umalis ay sumailalim sila sa Training on Basic Farming and Agricultural Production ng pamahalaang Lokal. Ito na rin ang huling pangkat ng mga magsasaka ng program ngayong 2023.

Inaasahan naman na magpapatuloy ang programa sa susunod na taon.

Program Snapshots Highlights: 

SEE OTHER CITY PROGRAMS